Antihero Studios®
Social extraction game na ginawa para sa mobile
Game mechanics ang kasakiman at pagtatraydor. Opsyonal ang tiwala, kaya sobrang mahal nito. Buuin ang samahan, o sirain ito.
Ang MISFITZ ay isang mobile extraction game sa mundong sobrang na-optimize ng entity na si Zero, kung saan ikinulong ang kultura bilang mga Relic: kanta, sining, alaala, video games. Isa kang MISFITZ. Isang outsider na may bahid ng neon na lumulusob sa mga kalye ni Zero na hawak ng mga makina, para bawiin ang kultura.

Sumabak.
16 players sa isang persistent na mundo. Walang timer. Sumabak sa mga kalye ni Zero na hawak ng mga makina, na tuloy-tuloy ang takbo online ka man o hindi. Bawat run, dumadaan sa mga kalyeng kaka-loot lang ng ibang player. Pagkalapag mo pa lang, opsyonal na ang tiwala.

Mag-loot. Kumampi.
Maghanap ng mga Relic, ang mga piraso ng kultura na ikinulong ni Zero. Makipag-team up sa mga estranghero habang nasa daan. Magtulungan para mabuksan ang isang vault, hatiin ang nakuha, at alamin kung sino ang gusto mong makasama ulit sa run.

Mag-extract o mamatay.
Makarating nang buhay sa extraction point at sa'yo na ang lahat ng nailabas mo: mga Relic, gear, armas, lahat. Mamatay ka sa kalye, at kalye na ang aangkin nito.

I-upgrade ang MISFITZ mo.
Hindi loadout ang MISFITZ mo. Character siya, may skill tree na ina-upgrade mo sa pagitan ng mga run: attack, defense, utility. Mas kaunting damage mula sa mga Trashbot. Mas maraming Bolts na naiiwan sa'yo pag namatay ka. Ang gear na kina-craft mo, lalo pang nagpapalakas sa mga perk na 'yon.

I-craft ang susunod mong loadout.
Nagsisimula ang bawat run sa workbench. I-craft ang gear mo, piliin ang Tricks mo, at pagpasyahan kung ano ang handa mong mawala. Tumakbo nang magaan at mabilis sa mga kalye, o mag-full kit at tumaya nang mas malaki sa vault. Ang ipinasok mo, lalabas, o hindi na.

Kolektahin ang rewards.
Bawat Relic na na-extract mo, pasok sa collection mo. Mabilis mapuno ang commons. Ang mga rare, kailangan mong ipaglaban at makalabas nang buhay dala ang mga ito. Kumpletuhin pa ang collection at mas maraming rewards ang mag-a-unlock, sa'yo lahat.
Diretsong sagot. Walang bola.
83,500+ ang naglaro ng pre-alpha. Darating ang Beta sa phone mo.
Mag-sign upLibreng i-download. App Store at Google Play.












